Hi, ako si andoyman. Isa ako sa lumikha ng komiks na “Ang Pista” na inilimbag ng Avenida Books. Narito pa ang iba ko pang komiks na inilabas sa online o sa convention nitong mga nakalipas na taon. Abangan ang iba ko pang gagawing komiks.
Matapos tanggapin ng isang stressed journalist ang isang spam email na nag-iimbita sa kanya ng libreng bakasyon sa beach resort, magiging biktima siya ng isang nakakapangilabot na lihim ng lugar.
Apat na kwento ng apat na pulubi.
Ang pakiramdam noong sinalubong ko ang bagong taon ng bagong milenya.
Mga eksena sa likod ng pagkokomiks
Kwento ng isang batang naghihintay sa kanyang OFW na nanay.
Hindi niya inaasahang makita ang kanyang ex sa hindi inaasahang lugar.